Pages

Tuesday, December 7, 2010

Nabighani NG Pagmamahal NG Diyos


Nabighani ng Pagmamahal ng Diyos

Fr. Froilan Briones, SSS

Director of Scholastics

Ang taong kasalukuyan ay mabunga para sa Congregation of the Blessed Sacrament. Patunay nito ang patuloy na pagyabong at paglago ng bokasyon sa mga dumaraming bilang ng mga seminarista na patuloy na hinuhubog sa Eymard Formation Center, sa larangan ng akademiko, apostolado, ministeryo, buhay panalangin at ispirituwalidad na nakabatay sa aming tagapagtatag na si San Pedro Julian Eymard na ang sentro ay ang banal na Eukaristiya.

Tunay na iisa lamang ang taling nagbibigkis upang magkatipun-tipon ang bawat isa sa lugar na ito. Ito ay ang pagkabighani ng bawat isa sa pagmamahal ng Diyos na bumubukal sa banal na Eukaristiya.

Sa mga magulang ng mga seminarista, buong galak ang aking puso sa pasasalamat sa paghahandog ninyo ng inyong mga anak, upang maging kaisa naming sa paglilingkod sa Diyos bilang mga relihiyoso.

Sa aming mga tagapagtangkilik na walang sawang sumusuporta sa tulong pinansiyal, oras at panalangin upang patuloy kaming makapaglingkod ng may kababaang– loob. Kayong lahat ay kasama sa bawat sandali ng aming panalangin.

Mabuhay kayong lahat!

No comments:

Post a Comment